-- Advertisements --

Naharang ng United Arab Emirates ang dalawang ballistic missiles na tatama sana sa capital city na Abu Dhabi.

Sinabi ni ng UAE Ministry of Defense na agad nilang pinasabog ang nasabing dalawang missile na galing umano sa teroristang grupo na Houthi.

Wala umanong nasaktan sa nasabing pagkaharang ng nasabing missiles.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay naharang din ng mga otoridad ang tangkang drone attack mula pa rin sa mga Houthi rebels.