Natanggap na ng Myanmar ang unang shipment ng dalawang Russian Su-30 fighter jets.

Sinabi ni Myanmar trade minister Charile Than, na ito ang resulta ng pirmahan ng kontrata ng dalawang bansa noong Setyembre 2022 kung saan mayroong anim na Su-30SME Fighter jets ang kanilang binili.

Ang Sukhoi Su-30SME multi-role fighter jets ay ginawa para sa aerial targets engagements ng kalaban.

Una ng kinondina ng US ang nasabing hakbang na ito ng Russia na ito ay lalong magdudulot ng kaguluhan sa Myanmar.