Nakapaghain na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Maguindanao 2nd District Congressman Esmael”Toto”Mangudadatu na tatakbong Gobernador ng probinsya.
Running mate ni Mangudadatu si dating Maguindanao Ist District Congresswoman Bai Sandra Sema.
Sina Mangudadatu at Sema ay tatakbo sa ilalim ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Malaki ang naitulong ni Mangudadatu sa pagpapalawig ng BTA-BARMM at si Sema ay tinaguriang ina ng Bangsamoro Organic Law (BOL) kaya suportado sila ni Chief Minister Ahod”Murad”Ebrahim at mamamayan ng Bangsamoro.
Nais ituloy at palawakin pa ni Cong Toto ang Totoong Serbisyo Program,tungo sa kaunlaran,mapayapa na pamayanan at pagkakaisa ng mga Lumad,Muslim at Kristiyano.
Naghain rin ng COC ang ibang mga kandidato ng UBJP party,mga Congressional Candidate na si Sajid “Dong”Mangudadatu sa unang distrito at ikadalawang distrito ng Maguindanao na si Incumbent Congressman Ronnie Sinsuat ,Board members,Mayors at mga myembro nito sa konseho.
Matatandaan na unang naghain ng kanilang COC si Incumbent Governor Bai Mariam Sangki Maguindanao at running mate nito na si Ainee Sinsuat.
Lahat ng mga kandidato sa Maguindanao ay lumagda ng kasunduan (Peace Covenant) para sa matiwasay at mapayapang eleksyon 2022.