-- Advertisements --

Kapwa nabigo sa kanilang mga laro sa AFC Championship League ang United City FC at Kaya FC-Iloilo.

Ang kasalukuyang Philippine Football League (PFL) champions na UCFC ay tinalo ng Daegu FC ng South Korea sa score na 7-0 sa group stage match na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan.

Dalawang puntos lamang ang naipasok ng South Korean sa first half ng laro subalit pagdating ng second half ay doon na sila umarangkada.

Hindi nakabangon pa ang UCFC na mayroon na silang record na 0 win, 1 draw at 1 loss na siyang nasa huling puwesto ng Group 1.

Tinambakan din ng Viettel FC ng Vietnam 5-0 ang Kaya FC.

Sa simula pa lamang kasi ng laro ay hawak na ng Vietnamese ang kalamangan hanggang tuluyan na nilang hindi pinaporma ang runner ng PFL noong nakaraang season.

Nasa huling puwesto ang Kaya sa Group F na mayroong dalawang talo at walang panalo.