-- Advertisements --
UEFA
UEFA/ FB IMAGE

Sinuspendi ng Union of European Football Associations (UEFA) ang lahat ng Champions League at Europa League soccer matches dahil sa coronavirus pandemic.

Kabilang din na sinuspendi ay ang national team games sa Hunyo at playoffs matches sa Euro 2020 ay iniurong na sa 2021.

Maging ang Champions League competition, second-tier Euroopa League at Women’s Champions League sa Mayo ay kanselado rin.

Wala pang ibinigay na petsa ang UEFA sa mga kanseladong torneo.