-- Advertisements --
Walang babaguhin ang The Union of European Football Associations (UEFA) sa pagbabalik ng mga laro.
Sinabi ni UEFA President Aleksander Ceferin na tuloy pa rin ang pan-continental format para sa naantalang Euro 2020.
Nagkumpirma na rin ang 12 original host cities sa venues para sa final tournament ng summer ng 2021.
Tatawagan pa ring Euro 2020 ang nasabing torneo kahit na ito ay lalaruin sa 2021.
Ang pagkansela ng mga torneo ngayong taon ay isang mahirap aniya na desisyon matapos ang labis silang naapektuhan ng coronavirus pandemic.