-- Advertisements --

Tuluyan ng kinansela ng UFC ang inaabangang UFC 249 sa Abril 18.

UFC 249
UFC 249/ FB IMAGE

Sinabi ni UFC presiden Dana White na nagdesisyon ang kanilang pay-per-view broadcast partner na ESPN at parent company na Disney na kanselahin ang nasabing laban dahil hindi pa rin humuhupa ang coronavirus pandemic.

Hindi naman nito binanggit kung kailan ang bagong petsa ng nasabing laban.

Magiging main event sana ang laban nina Tony Ferguson at Justin Gaetheje at co-main event ang laban nina Jessica Andrade at Rose Namajunas sa nasabing UFC 249.

Magugunitang ipinagmalaki ni White na mayroon siyang sariling isla na puwede gamitin habang patuloy ang pananalasa ng coronavirus pandemic.