-- Advertisements --
May bago ng petsang inilaan ang UFC sa unang paglaban ni Filipino-American mixed martial arts fighter Mark Streigl.
Gaganapin ang debut fight nito sa darating na Oktubre 17 laban kay Said Nurmagomedov.
Mayroong record ang 32-anyos na si Striegl na 18 panalo at dalawang talo habang mayroong 13 panalo at 2 talo si Nurmagomedov.
Magugunitang itinakda sana noong Agosto 22 ang unang laban sa UFC ni Striegl laban kay Timur Valiev subalit hindi natuloy matapos na siya ay magpositibo sa COVID-19.