-- Advertisements --

Nagsasanay sa ilalim ni Hall of Fame boxing trainer Freddie Roach si ONE welterweigth champion Ben Askren.

Naghahanda kasi ito sa unang pagsabak niya sa boxing laban kay YouTube star Jake Paul sa Abril 16 na gaganapin sa Mercedez Stadium sa Atlanta USA.

Sinabi nito na ginagawa niya ang lahat ng makakaya para maging magaling na professional boxer.

Taong 2019 ng magretiro ito sa mixed martial arts matapos ang dalawang magkasunod na pagkatalo sa UFC.

Dagdag pa nito na hindi naman niya kailangan na maging world-class boxer para talunin si Jake Paul.