-- Advertisements --
Hinatulang makulong ng hanggang 22 buwan si UFC heavyweigth fighter Ben Sosoli matapos na suntukin ang isang lasing na lalaki sa isang bar sa Melbourne.
Nagtatrabaho kasi ang 30-anyos na UFC fighter bilang bouncer sa Jacksons Lounge Bar ng suntukin ang isang lalaki.
Nagpupumilit kasi ang lalaki na makapasok sa bar subalit pinigilan ni Sosoli ito dahil sa labis na ang kaniyang kalasingan.
Dahil sa pangyayari ay inoperahan ang panga ng biktima at ito ay nagsampa ng kaso sa korte.
Depensa ni Sosoli na binantaan siya ng nasabing lalaki kaya inunahan na nito.
Huling lumaban si Sosoli noong Pebrero laban kay Marcos Rogerio de Lima kung saan natalo siya sa unang round sa pamamagitan ng technical knockout.