-- Advertisements --

Handa ng magretiro sa dating two-division champion Daniel Cormier.

Ayon sa 41-anyos na si Cormier, manalo man o matalo sa paghaharap niya kay UFC heavyweight world champion Stipe Miocic sa trilogy main event sa UFC 252 sa Agosto 15 sa Las Vegas, USA.

Dagdag pa nito na nararamdaman na niya ang kaniyang pagod sa pakikipaglaban kaya napapanahon na aniya ang pagreretiro.

Sa edad din niya ngayon ay mahihirapan na itong makipagsabayan pa sa mga mas batang fighter.