-- Advertisements --
Kinasuhan ng assault si welterweight mixed martial arts fighter Mike Perry matapos na ito ay masangkot sa kaguluhan sa isang restaurant sa Lubbock, Texas.
Makikita sa kumalat na video sa social media ang palitan ng maanghang na salita hanggang sinuntok nito ng American MMA fighter ang isang lalaking may edad na.
Sinasabing matapos ang insidente ay umalis na agad si Perry.
Sa kaniyang Twitter post ay ipangtanggol pa ng 28-anyos na fighter ang sarili at wala itong pagsisisi sa kaniyang ginawa.
Dagdag pa nito na may pinapatupad na social distancing kaya ng lapitan ito ng lalaki agad niya itong sinuntok.