-- Advertisements --
Naaksidente si UFC Hall of Famer Randy Couture at ang kasintahan nitong si Mindy Robinson.
Nagmamaneho ng ATV ang 57-anyos ang dating UFC heavyweight champion sa kaniyang ranch sa Flagstaff Arizona.
Dahil sa pangyayari ay sasailalim sa operasyon ang UFC fighter habang nagtamo lamang ng maliit na sugat ang kasintahan.
Magugunitang noong nakaraang taon ay dumanas ng atake sa puso si Couture kung saan ito ay inoperahan.
Nakilala si Couture ng talunin ang ilang sikat na UFC fighter na sina Tito Ortiz, Chuck Liddel at Vitor Belfort.
Kinilala siya sa UFC Hall of Fame noong 2006.