-- Advertisements --
Naglabas na ng pahayag ang UFC sa gulong kinasangkutan ng isa nilang fighter na si Mike Perry.
May kaugnayan ito sa kumalat na halos dalawang minutong video sa social media kung saan sinapak ni Perry ang isang matandang lalaki na nakaalitan nito sa isang kainan.
Ayon sa UFC na hindi nila kinokonsinte ang ginawang iyon ni Perry.
Dagdag pa nila na isasailalim sa professional treatment at maaaring hindi na rin nila ito palalabanin.