-- Advertisements --
Sasabak sa isang boxing match si UFC legend Anderson Silva.
Makakaharap nito si Tito Ortiz sa eight-round boxing match sa darating na Setyembre 11 na gaganapin sa Staples Center sa Los Angeles.
Sa parehas din na laban ay sasabak din si 11-time world champion Oscar De La Hoya na lalabanan si UFC star Vitor Belfort.
Ang 46-anyos na si Silva ay dating UFC Middleweight Champion na 10 beses niyang naidepensa ang titulo.
Hindi lamang ito ang unang beses na lumaban sa boxing si Silva dahil noong Hunyo ay tinalo niya si Julio Cesar Chavez Jr sa pamamagitan ng split decision.
Ito naman ang unang beses na sumabak sa boxing si Ortiz na huling laban niya sa mixed martial arts ay noong Disyembre 2019 ng talunin si Alberto El Patron.