-- Advertisements --
Mayroon ng napiling kalaban si dating UFC middle weight world champion Anderson Silva para sa sinasabing huling laban niya bago magretiro.
Ito ay sa katauhan ni Uriah Hall sa darating na Oktubre 31.
Inaayos pa ng UFC ang venue ng nasabing laban ng dalawa.
Sinabi ni UFC President Dana White, na ang nasabing laban ni Silva ay siyang posibleng huling laban na nito.
Ayon naman sa manager ni Silva na si Jorge Guimaraes, ipapaubaya na lamang nito ang desisyon sa 45-anyos na fighter kung tuluyan na nga ba itong magreretiro.
Dagdag pa nito na laging nagsasanay si Silva at nasa maganda ang pangangatawan.