-- Advertisements --

Binatikos ni UFC president Dana White si American fighter Bryce Mitchell.

Ito ay matapos ang ginawang antisemitic, homophobic at transphobic comments nito sa kaniyang podcast.

Pinuri din ng 30-anyos na American fighter ang kagalingan umano ni Adolf Hitler.

Sinabi ni White na ito na ang pinakamasamang narinig niya sa kaniyang buhay.

Hindi umano ito hanga kay Hitler dahil sa pagpatay ng nasa anim na milyong Hudyo.

Paliwanag ni White na hindi nito mapaparusahan si Mitchell dahil ito ay bilang bahagi ng freedom of speech.