-- Advertisements --
Blanko pa rin si UFC president Dana White kung matutuloy ang laban ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao at UFC star Conor Mcgregor.
Kasunod ito sa naging kontrobersiyal na Tweet ni McGregor sa Tagalog ng “Tinatanggap Ko”.
Sinabi ng UFC President na ipapaubaya niya sa dalawang kampo kung itutuloy ang nasabing paghaharap ng dalawa.
Wala rin aniya siyang pakialam sa nasabing laban dahil hindi na rin aniya nila kinikilala si McGregor sa UFC matapos na ito ay nag-anunsiyo na nagretiro na siya.
Magugunitang lumutang ang usapin na nais rin ng fighting senator na makaharap ang Irish fighter para sa exhibition fight.