-- Advertisements --
DANA WHITE
Dana White

Magbibigay ng $10,000 o mahigit P500,000 si UFC President Dana White para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Ito mismo ang kinumpirma ni White matapos na mabalitaan na maraming mga pamilya ang naapektuhan sa magkakasunod na lindol noong nakaraang linggo.

Agad itong nag-tweet at tiniyak ang pagdonate ng $10-K.

Hindi lamang ito ang unang beses na tumutulong sa mga biktima ng trahedya si White dahil noong nakaraang mga trahedya sa ibang panig ng mundo ay kusa itong nagbibigay ng tulong.