-- Advertisements --

Nagmatigas pa rin si UFC President Dana White na hindi uurong para ituloy ang pay-per-view fight sa pagitan nina Khabib Nurmagomedov and Tony Ferguson sa April 18.

Lumakas naman ang loob ni White sa kanyang binabalak nang suportahan siya ng retired heavyweight champion na si Mike Tyson.

Ayon kay White, nagkakaisa sla ni Tyson na sa panahon ngayon na ang mundo ay nasa lockdown kailangan daw na bigyan nila ito ng aliw.

Aniya, gagawa umano siya ng paraan dahil meron siyang mga options para hindi magpatinag sa coronavrus.

Giit pa ni White nais niyang maging normal muli ang araw ng mga fans ng combat sports.

Una nang tumanggap nang batikos si White sa ilang mga kritiko dahil ilalagay lamang niya sa panganib ang kanyang mga fighters.

Buwelta naman ni White kailangan ding kumita at magtrabaho ang kanyang mga players.

Binigyan diin pa ng MMA top man ng MMA, lahat na lamang daw ng tao ay nagtatago pero lalabas at lalabas daw siya at hindi magpapatalo sa COVID pandemic.

“It’s nuts, but I’m going to try and pull off Tony v Khabib on April 18 and try and get some normality back in this country,” ani White sa boxingscene.com at Boxing Clever.