-- Advertisements --

Walang balak na habulin pa ni UFC fighter Dustin Poirier si Conor McGregor dahil ito ay nagretiro na.

Sinabi nito na wala na ring kuwenta kung sakaling muli silang magharap ng Irish fighter.

Noong 2014 kasi ay tinalo siya ni McGregor subalit nakabangon siya ng talunin ang ilang mga sikat na figher gaya nina Justin Gaethje, Anthony Pettis at Max Holloway.

Ipinagmalaki pa nito na nasa pangatlong puwesto ito kumpara kay McGregor na nasa pang-apat na puwesto.

Target na nitong makaharap ngayon ay si Tony Ferguson.