Opisyal nang isinapubliko ng Pentagon ang tatlong mga video kung saan makikita ang umano’y mga UFO o tinawag nilang mga “unidentified aerial phenomena.”
Una nang kumalat ang nasabing mga grainy black and white footages noong 2007 at 2017, at inamin na rin ng US Navy na sa kanila nanggaling ang mga ito.
Sa pahayag ng US Department of Defense, ginawa nila ang hakbang para bigyang-linaw ang pagdududa ng publiko sa kung totoo ba o hindi ang kumalat na footage.
“After a thorough review, the department has determined that the authorized release of these unclassified videos does not reveal any sensitive capabilities or systems, and does not impinge on any subsequent investigations of military air space incursions by unidentified aerial phenomena,” saad sa pahayag ng Pentagon.
“The aerial phenomena observed in the videos remain characterized as ‘unidentified’,” dagdag nito.
Isa sa mga videos ang nakunan noong Nobyembre 2004, habang noong Enero 2015 naman ang dalawang iba pa.
Matatandaang noong Disyembre 2017 nang inamin ng Pentagon na pinondohan nila ang isang sikretong multi-million dollar program upang imbestigahan ang mga UFO sightings.
Ngunit inihayag ng Pentagon na natapos na raw ang naturang programa noon pang 2012. (AFP/ BBC)