-- Advertisements --

Pumanaw na ang Ugandan marathon runner na si Rebecca Cheptegei matapos na siya ay silaban ng nobyo.

Ang 33-anyos na si Cheptegei ay nagtamo ng matinding sunog sa halos 80 porsyento ng kaniyang katawan ng sunugin siy ang kaniyang nobya habang nasa kanilang bahay sa western Trans Nzoia County.

Hawak na ng mga kapulisang ang nobyo nito na kinilalang si Dickson Ndiema.
Nagtapos si Cheptegei sa pang-44 sa women’s marathon ntong Paris Olympics.

Labis naman na nalungkot si International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach, sa sinapit ni Cheptegei kung saan ang kaniyang pagsali sa nasabing torneo ay isang inspirasyon.

Bumuhos naman ang mga pakikiramay mula sa iba’-ibang atleta sa buong mundo.