-- Advertisements --

Nasa kritikal ang kalagayan ngayon ng Ugandan runner matapos na silaban ng nobyo.

Si Rebecca Cheptegei na isang distance runner na nagtapos na pang-44 na puwesto nitong Paris Olympics ay nagtamo ng matinding pinsala sa katawan.

Ayon kay Trans Nzoia County Police Commander Jeremiah ole Kosiom, na bigla siyang nilusob ng nobyo sa bahay nito sa western Trans Nzola county ng suspek na si Dickson Ndiema.

Bigla umano itong binuhusan ng kemikal at sinunog ang biktima.

Bago ang insidente ay nagkaroon umano ng alitan ang magkasintahan na nagtapos sa panununog.

Maging ang suspek ay nasunog din ang katawan at sila ay dinala na sa Moi Teaching and Referral Hospital sa Eldoret City.

Kasalukuyang nagpapagaling ang bikitma sa pagamutan habang hinihintay pa ng mga otoridad ang pagsampa ng kaso laban sa suspek.