-- Advertisements --
Muli na naman nakabasag ng world record si Ugandan runner Jacob Kiplimo.
Tinapos kasi ng 24-anyos na runner ang Barcelona half marathon.
Siya lamang ang unang tao na nakatapos ng nasabing distansya ng wala pang 57 minuto.
Umabot sa 56:42 ang kabuuang oras nito na mas mabilis ng 48 segundo.
Unang nakakuha ng nasabing record kasi ay si Yomif Kejelcha ng Ethiopia na mayroong 57:30 ang oras.
Magpapahinga muna ngayon si Kiplimo dahil pinaghahandaan ang London Marathon na gaganapin sa buwan ng Abril.