-- Advertisements --
Nakalaya na matapos magpiyansa si Ugandan presidential candidate Bobi Wine.
Inaresto ang singer turned politician dahil sa pagpapakalat umano ng coronavirus.
Nagsagawa kasi ang 38-anyos na si Wine ng rally.
Sa nasabing kilos protesta ay umabot sa 37 katao ang nasawi matapos ang sagupaan nila sa mga otoridad.
Ang singer na ang tunay na pangalan ay si Robert Kyagulanyi ay isa sa 11 kandidato na makakatunggali ni President Yoweri Museveni na naging pangulo mula pa noong 1986.
Binatikos ng Human Right Watch ang ginagawa ng mga kapulisan na tila ginagamit ang COVID-19 guidelines para patahimikin ang mga opposisyon.