-- Advertisements --
Sumisigaw ng hustisya si Ugandian opposition presidential candidate at singer Bobi Wine.
Ito ay matapos na arestuhin ng magsumite ng nomination papers sa election body.
Ayon sa tagapagsalita ng kaniyang National Unity Party, Joel Senyonyi, binasag ng mga otoridad ang bintana ng kotse nito at siya ay inaresto.
Ang 38-anyos na musician turned politician na ang tunay na pangalan ay Robert Kyagulanyi ay nais na tuldukan ang pamumuno ni Yoweri Museveni na siyang itinturing na pinakamatagal na pangulo ng bansa.
Nakatakda ang halalan sa Pebrero sa susunod na taon.
Mula ng ianunisyo ni Wine ang pagtakbo nito bilang pangulo ay makailang beses ng binubuwag ng mga kapulisan ang mga nagsasagawa ng kilos protesta na kani yang mga supporters.