CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi matutumbasan ang dala na lakas at liksi ni eight world boxing champion Manny Pacquiao kaya pagkatalo ang aabutin daw ni reigning World Boxing Association welterweight champion Cuban boxer Yordenis Ugas.
Ito ang fearless forecast ni coach Nolito Velasco ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) sa natakdang pagtutuos ng dalawang world boxing champions sa T-Mobile Arena sa La Vegas, Nevada sa araw na Linggo ng tanghali.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Velasco bagamat makulay ang amateur career ni Ugas noong Olympic days bago pumasok bilang propesyunal subalit kukulangin ito kung makaharap na niya sa loob ng boxing ring si Pacquiao.
Ito ang dahilan na crucial para kay Velasco ang posibleng knockout win para sa fighting senator sa loob ng una hanggang pitong rounds sa laban nila Ugas.
Paliwanag ng ABAP coach na kung walang matinding kargada si Ugas sa pagharap kay Pacquiao ay hindi na umano ito aabot hanggang 12 rounds.
Subalit nangamba rin si Velasco sa dala na tangkad ni Yordenis na maaring gagamitin ng husto upang iligaw ang mga pag-atake ni Pacman sa kanilang laban.
Bagamat marami ng pagkakataon na nakaharap ni Pacquiao ang mas mga matataas na mga boksingero subalit matinding knockouts lang naman ang kanilang inaabot noong unang mga panahon.