Ngayon pa lamang may babala na ang Cuban boxer na si Yordenis Ugas laban sa challenger na si Manny Pacquiao.
Ayon sa 35-anyos na WBA welterweight champion, ‘wag daw magkakamali si Pacquiao, 42, na hindi siya seryosohin dahil may kalalagyan ang fighting senator.
Ipinagmalaki pa ni Ugas (26-4, 12 KOs) na sa ngayon ay nasa “peak” siya ng kanyang career, mas bata siya at ang kasalukuyang kampeon.
Ang kanyang pagkakaroon daw ng dugong Olympian ay malaking bagay para sa pinakamalaking laban sa kanyang buong career.
“If he’s overlooking me he’s going to have a problem,” ani Ugas.
Batay naman sa resume ni Ugas ang pinakamalaking pangalan pa lamang na kanyang nakalaban ay ang kontrobersiyal na pagkatalo noon kay Shawn Porter.
Sa kabila nito, nanalo rin naman siya sa ilang solidong mga boksingero katulad nina Jamal James, Abel Ramos at Omar Figueroa Jr., gayundin ang kanyang naitalang TKO wins kontra kina Bryant Perrella at Ray Robinson.
Gayunman, wala pang mas de kalidad na boksingero na nakalaban si Ugas tulad sa isang natatanging eight division world champion.