CENTRAL MINDANAO-Isang Indigenous People (IP) Leaders Consultation ang pinangunahan ng Provincial Governor’s Office – IP Affairs at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa Carmen Municipal Function Hall, Carmen Cotabato.
Ito ay naglalayong konsultahin ang mga IP leaders mula sa bayan ng Carmen at President Roxas hinggil sa mga posibleng investment na nais ilagak ng mga mamuhunan sa kanilang ancestral domain kabilang na rito ang Giant Bamboo Project na nais ipatupad sa mga ancestral domains ng barangay Bentangan Carmen, Lebpas at Kisupaan, President Roxas.
Sa nasabing pagpupulong ay kinonsulta ang mga lideres ng mga katutubo at iprinisenta nina NCIP XII Engr. Leonardo A. Aguanan, Jr at NCIP Provincial Director Timuey Macapantao Manamba ang topiko hinggil sa Ancestral Domain Land Cover Map at Ancestral Domain Privileges and Legal Basis upang maintidihan ng nasabing mga lideres ang karapatan at pribilehiyo ng mga IPs lalo na sa usaping ancestral domain.
Iprinesinta din ni Mr. Jerry Taray President/CEO ng Kilambay Plantation Corporation ang Giant Bamboo Project na naglalayong magbigay ng pagkakakitaan sa mga IPs at mapangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng giant bamboos na sa ngayon ay ginagamit hindi lamang sa paggawa ng native products kundi sa pagpapatayo rin ng ng mga gusali.