Pinalakas pa ng Philippine at Brunei Navy ang ugnayan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagsagawa ng virtual conference kahapon, October 6.
Sa isinagawang pulong nina Phil. Navy chief Vice Admiral Giovanni Bacordo at ng kaniyang counterpart ang Royal Brunei Navy chief na si First Adm. Dato Seri Pahlawan Haji Othman bin Haji Suhaili, tinalakay ng dalawang navy chiefs ang role ng kani-kanilang pamahalaan sa pagtugon sa nararanasang pandemya ngayon dahil sa Covid-19.
Tinalakay din ng dalawa ang katatapos lamang na Rim of the Pacific Exercises na ginanap sa Hawaii lalo na ang ginawang sabay na paglayag ng RBN vessel ang KDB Darulehsan (OPV07) at ng Phil Navy BRP Jose Rizal mula Hawaii patungong Guam.
Nais din ng dalawang navy chiefs na matuloy na sa 2021 ang maritime training activity ang SEAGULL na napostponed ngayong taon dahil sa Covid-19.
Siniguro ni Bacordo na suportado nila ang anumang mga future endeavors ng Phil Navy at Brunei Navy.