Iniimbestigahan na ngayon ng Police Regional Office -2 ang ulat na ang inarestong suspek na nagpaputok sa mga pulis na nagsagawa ng anti-illegal logging operations ay nagta trabaho sa alkalde ng Cagayan.
Ayon kay PRO-2 regional police director, PBGen. Crizaldo Nieves, kasalukuyang bina-validate na ng PNP ang nasabing ulat kung saan ang suspek na si Ernest Sibbaluca ay protektado ng alkalde.
Sinabi ni Nieves, sinampahan na nila ng kaso ang suspek, subalit wala pang ebidensiya na magpapatunay na si Sabbaluca ay tauhan ng alkalde.
Sa ngayon, ongoing ang imbestigasyon ukol dito para mabatid kung sangkot ba talaga ang opisyal sa mga iligal na aktibidad sa nasabing lugar.
Sinabi ni Nieves, kasama din nilang iniimbestigahan ngayon ang iba pang opisyal ng pamahalaan na umano’y dawit o sangkot sa iligal na pagtotroso sa Cagayan.
Una ng ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang crakdown sa mga illegal loggers na nag-ooperate sa region 2.