-- Advertisements --

Inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si Jong Uichico bilang head coach ng Gilas Pilipinas para sa nakatakda nilang pagsabak sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers ngayong buwan.

Ayon kay SBP President Al Panlilio, tatampok sa coaching staff ni Uichico sina SBP program director Tab Baldwin, assistant coach Boyet Fernandez, at Alton Lister.

Sa panig naman ni Uichico, bagama’t itinuturing niyang hamon ang pagkakatalaga sa kanya bilang head coach, gagawin nito ang lahat para maihanda ang Gilas sa kompetisyon.

“It’s a welcome challenge. It’s something new, but it’s always welcome,” wika ni Uichico.

Kabilang sa line-up ng Pinoy team para sa November window ang mga collegiate standouts na sina Isaac Go, Mike at Matt Nieto, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, Dave Ildefonso, at Kobe Paras.

Sinabi pa ng SBP, ilalabas ang final lineup isang araw bago ang first game na nakatakda sa Nobyembre 28 na gagawin sa Bahrain.