Inaprubahan ng United Kingdom ang paggamit ng COVID-19 vaccine na Pfizer at BioNTech sa mga may edad 12 hanggang 15-anyos.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng naunang ginawa ng US at European Union.
Ipapaubaya na rin ng Britains medicines regulator sa Joint Committee on Vaccination and Immunisation (JCVI) kung itutuloy ba nila ang pagpapabakuna sa nasabing age group bilang bahagi ng vaccinationa roll-out plan ng Britanya.
Ayon naman kay June Rain ang chief executive ng UK Medicines and Healthcare products Regulatory Agency na maigi nilang pinag-aralan ang nasabing clinical data para sa mga batang may edad 12 hanggang 15-anyos at lumabas na ligtas itong gamitin ng mga nabanggit na edad.
Nauna nang ipinahayag ng France at Germany na kanilang sisimulan ang pagbibigay ng mga bakuna sa nasabing mga edad.