Sumunod na rin ang United Kingdom at Canada sa US na nagpatupad ng diplomatic boycott sa nalalapit na 2022 Beijing Winter Olympics.
Gaya ng rason ng US sinabi ni British Prime Minister Boris Johnson na hindi nito maaatim ang nangyayaring human rights abuse sa China.
Sinabi naman ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na noon pa man ay nababahala na sila sa nagaganap na pang-aabuso sa China.
Magugunitang matapos ang US na nag-anunsyo ng diplomatic boycott ay sumunod din ang Australia.
Tiniyak naman ng nasabing mga lider na kanilang susuportahan pa rin ang mga manlalaro nila na sasabak sa torneyo.
Ang ibig sabihin ng diplomatic boycott ay hindi magpapadala ng kanilang mga diplomats ang naturang mga bansa pero tuloy ang pagpapadala nila ng mga atleta sa Beijing.