-- Advertisements --

Nagkasundo ang United Kingdom at European Union na ipagpatuloy ang kanilang post-Brexit talks.

Sa inilabas na joint statement nina British Prime Minister Boris Johnson at European Commission President Ursula von der Leyen, na kanilang tatalakayin ang hindi pa natatapos na usapin.

HIndi naman binanggit ng dalawa kung hanggang kailan magtatagal ang nasabing usapin.

Magugunitang mayroong itinakdang hanggang Disyembre 31 para payagan ang UK at European Parliaments na bumoto para sa tuluyang pagkalas ng UK sa EU.