-- Advertisements --

Kinansela ni British singer Harry Styles ang kaniyang United Kingdom at European tour dahil sa coronavirus pandemic.

Sa kaniyang social media, inanunsiyo na hindi na matutuloy pa ang kaniyang concert na gaganapin sa darating Pebrero at Marso 2021.

Pinapangahalagahan niya ang kalusugan ng kaniyang mga fans kaya minabuti nitong kanselahin na ang concert.

Tiniyak naman nito na matutuloy ang nasabing concert kapag makabalik na sa normal ang lahat.