-- Advertisements --

Minamadali na rin ng UK government ang paglikas sa kanilang mga mamamayan na kasalukuyan pang nasa Afghanistan bago matapos ang rescue mission ng Amerika sa August 31.

Sa nakalipas na 24 na oras, aabot sa 2,000 katao ang naiuwi na sa kanilang bansa at nasa kabuuang 9,000 naman ang na-evacuate na mula noong August 15.

Ayon kay Secretary of State for Foreign, Commonwealth and Development Affairs ng UK na nananatiling August 31 ang deadline bago ang withdrawal ng US military troops sa Afghanistan.

Hindi rin natitinag ang posisyon ng militanteng grupo na Taliban habang puspusan na ang ginagawang evacuation operation ng mga military forces dahil sa nalalapit na pag-withdraw ng US military troops na kasalukuyang nananatili sa bansa upang masiguro ang seguridad sa Kabul airport.

Wala aniya silang sasayanging oras at kung sakali man na may mga maiiwan matapos ang itinakdang deadline sa August 31.

Dahil dito makikipagkasundo raw sila sa Taliban upang masiguro na papayagan silang makapasok sa bansa.

Target ding tapusin ng France ang evacuation sa kanilang mamamayan mula sa Taliban controlled na bansang Afghanistan sa loob ng tatlong araw matapos na tumangging palawigin ng US ang deadline sa pagwithdraw ng kanilang tropang militar mula Afghanistan.

Nagbabala naman ngayon si French Minister for European Affairs Clement Beaune na “very probable” ang evacuation operation ng France sa susunod na araw bago ang itinakdang deadline. (with reports from Everly Rico)