-- Advertisements --
Tiniyak ng France at United Kingdom na hindi magbabago ang kanilang suporta sa Ukraine.
Sa ginawang pagbisita ni British Prime Minister Keir Starmer kay French President Emmanuel Macron, ay tinalakay nila ang patuloy na suporta sa Ukraine.
Ayon sa dalawang lider na hanggang hindi tumitigil ang Russia sa ginagawa nitong pag-atake sa Ukraine ay ipagpapatuloy pa rin nila ang suporta.
Ang nasabing pahayag nila ay kasunod ng sinabi ni Trump na kaya niyang tapusin ang giyera sa Ukraine at Russia sa loob ng isang araw.