-- Advertisements --

Sisimulan na ng United Kingdom ang pakikipagpulong sa Japan para mapalakas ang kanilang relasyon.

Sinabi ni British defense minister Ben Wallace na ang nasabing hakbang ay bilang bahagi ng pagpapatibay ng depensa nila sa Indo-Pacific region.

Isa sa posibleng tatalakayin ay ang malawak na defense engagement program sa dalawang bansa.

Umaasa si Wallace na walang magiging problema sa pag-uusap ng dalawang bansa.