COTABATO CITY – Nakapasok na sa probinsya ng Cotabato ang mga bagong variant ng COVID-19, ito ay kinumpirma ni IPHO head Dr. Eva Rabaya na dalawang kaso ng UK Variant ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng Midsayap North Cotabato at isang kaso ng South African Variant ang minomonitor sa bayan ng Tulunan.
Ayon kay Provincial IATF Spokesperson Bored Member Philbert Malaluan na isolated na ang mga tinamaan ng bagong COVID-19 Variants.
Dagdag pa nito, na nakumpirma ang bagong Variants basi sa specimen na nakuha sa mga naonang nagpositibo sa nasabing Variants.
Samantala, nagpapatuloy ang contact tracing sa mga nakasalumoha ng mga pasyente.
Sa ngayon ay wala pang data, kung saan at paano nahawaan ang mga pasyenteng nag positibo sa bagong variants ng COVID-19.