-- Advertisements --
Sumentro sa banta ng Russia sa Ukraine ang ginawang pagbisita ni British Prime Minister Boris Johnson sa Ukraine.
Tumagal ng ilang oras ang pagkikita ni Johnson at Ukraine President Volodymyr Zelensky kung saan kabilang din sa napag-usapan ay ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa kalakalan.
Nagbigay din ang UK government ng aabot sa mahigit $10 milyon para sa pagkakaroon nito ng stable governance.
Tiniyak din ng UK na kanilang irerespeto ang sobereniya ng Ukraine at kanilang haharapin ang sinumang sisira nito.
Magugunitang naglagay ng mahigit 100,000 na sundalo ang Russia sa border nila ng Ukraine.