-- Advertisements --
Hinikayat ng United Kingdom at mga kaalyado nito ang Hong Kong na payagan ang mga unang pinagbawalang kandidato na tumakbo sa halalan.
Pinangunahan ng foreign ministers ng UK kasama ang Canada, New Zealand at US ang nasabing panawagan na dapat magkaroon na ng halalan.
Kinondina rin nila ang ginawang pagpaliban ng halalan na dapat ay sa Setyembre pa.
Nauna rito inanunsiyo ni Hong Kong chief executive Carrie Lam ang pagkansela ng halalan dahil umano sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.
Magugunitang dinis-qualify ng mga otoridad sa Hong Kong ang 12 pro-democracy candidates sa pagsali sa halalan.