Nagbabala ang United Kingdom ng mas mabigat na sanctions laban sa Russia kapag itinuloy nito ang pag-atake sa Ukraine.
Sinabi ni Foreign Secretary Liz Truss na ang bagong legislation ay para mapalawig ang sanctiong ng UK kapag itinuloy ng Russia ang atake nito sa Ukraine.
Sa kasalukuyan kasi ay ang gobyerno ay maaring magpatupad ng sanctions na nakatuoon lamang sa Russia.
Sa bagong ipinakilalang kapangyarihan ay naging malawak ang target nito na mga indibidwal at mga negosyo.
Sa kaniyang talumpati sa House of Commons, sinabi ni Truss na ang bagong legislation ay hindi otomatikong magpapatupad ng sanctions sa Russia pero magbibigay ng karagdagang kapangyarihan sa pagkakataon na lusubin ng Russia ang Ukraine.
Nauna rito nagbabala rin ang Russia na mayroong ganti ang anumang sanctions ang ipapatupad ng UK sa kanila.