-- Advertisements --
Binawi ng United Kingdom ang nauna nilang pahayag na pagtanggal ng mga restrictions sa Greater Manchester at bahagi ng Yorkshire.
Ayon kay Health and Care Secetary Matt Hancock, na dahil sa patuloy patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso sa Trafford at Bolton kaya dapat huwag munang luwagan ang restrictions.
Ipinatupad noong Hulyo ang matinding restriction para mapigil ang pagtaas ng kaso ng coronavirus.
Patuloy pa rin ang pagbabala ng UK government sa kanilang mamamayan na mahigpit na sundin ang restrictions.