Naniniwala ang ilang mga political analyst na panahon na para magsalita at makialam ang United Kingdom sa kinakaharap na krisis ng Hong Kong.
Kung maalala taong 1997 nang i-turnover ng Britanya ang Hong Kong sa China.
Mahigit din 150 taon na naging kolonya at teritoryo ng United Kingdom ang Hong Kong.
Kabilang sa hand over contract noon ay sa loob ng 50 taon na magtatagal hanggang taong 2047 ay walang gagalawin ang China sa pamamahala at iba pa sa kanyang administrative region.
Aniya, mananatili ang pagiging Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) sa pamamagitan ng “One Country, Two Systems.”
Sa madaling salita hindi maaaring ipilit ng People’s Republic of China ang sistema nitong sosyalista o kaya kumunismo sa Hong Kong.
Ang nagaganap na lingguhang malawakang kilos protesta sa Hong Kong ay nag-ugat sa iniatras na extradition bill.
Nangangamba kasi ang mga taga-Hong Kong na unti-unti ng gumagapang ang kamay ng pakikialam ng China.
Dahil dito, ngayon pa lamang ay inilalaban na ng mga taga-Hong Kong ang kalayaan at demokrasya habang palapit ang taong 2047.
Marami kasi sa halos walong milyong mga residente sa Hong Kong ay ayaw nilang maging Chinese kundi bilang mga Hong Kongers.