-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng United Kingdom na gagawa pa sila ng mas maraing mga nuclear weapons.

Sinabi ni UK Prime Minister Boris Johnson, na nais ng gobyerno na taas amg defense speding ng bansa sa $33.3 billyon sa susunod na apat na taon.

Maglalaan din sila ng ilang bilyong dolyar na investment sa research and development para sa science and technology, paglaban sa climate change at paglaban sa COVID-19.

Itinuturing pa rin ni Johnson na isang banta ang Russia kaya kailangan nilang lakasan ang paggawa ng nuclear weapons.

Kasama ring ang China na isa sa banta sa bansa kaya nararapat na tapatan nila ang nuclear power nito.

Dinagdagan rin ng UK ang kanilang missiles na mula sa dating 180 ay naging 260 na ngayon.