-- Advertisements --

Bumagsak sa Mediterranean Sea ang pinakabagong stealth fighter jet ng United Kingdom military na F-35.

Nangyari ang insidente habang nasa aircraft carrier na HMS Queen Elizabeth ang nasabing eroplano.

Ayon sa UK Defense Ministry, na agad na nakapag-eject ang piloto at ligtas na nakabalik ito sa barko.

Ang F-35B na isang single engine, short take-off vertical landing variant ng US develop stealth jet ay nagkakahalaga ng $115-M kada isa.

Noong Hunyo ay sumabak ito sa Middle East laban sa mga ISIS.

Patuloy na ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pagbagsak ng nasabing fighter jet.