Nakatakdang makipagpulong si Britain foreign minister Dominic Raab sa mga Israeli at Palestinian leaders.
Gagawin niya ito sa kaniyang isang araw na pagbisita sa Jerusalem at West Bank matapos ang napagkasunduang ceasefire.
Kakausapin ni Raab sina Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, Defense Minister Benny Gantz at kasama na sina Palestinian Authority President Mahmoud Abbas at Prime Minister Mohammad Shtayyeh.
Aniya, suportado ng UK ang two-state solution upang makamit ang kapayapaan ng dalawang bansa kung kaya’t kinakailangan niyang pulungin ang mga ito sa lalong madaling panahon.
Nauna nang ipinangako ni US President Joe Biden na tutulong ang Amerika sa muling pagbuo ng Gaza bilang bahagi ng pagsisikap na palakasin ang tigil-putukan sa pagitan ng mga pinuno ng Hamas Islamists at Israel.