Mainit na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si United Kingdom Foreign Secretary David Lammy sa kaniyang courtesy call sa MalacaƱan Palace ngayong Sabado, Marso 8.
Kasalukuyan ngang nasa bansa si Secretary Lammy para sa kaniyang isang araw na official visit para patatagin pa ang enhanced partnership sa pagitan ng Pilipinas at UK na inilusnad noong 2021 sa pamamagitan ng paglagda sa isang Joint Framework of the Enhanced Partnership.
Sa courtesy call, sinabi ni Pangulong Marcos na kaya pang palakasin ang people-to-people exchanges dahil sa malakas na relasyon ng 2 bansa kung saan nakitaan ng significant increase sa bilang ng mga Pilipino na naninirahan at nagtratrabaho sa UK.
Ipinaabot din ng presidente ang pasasalamat ng mga Pilipinong nakabase sa UK para sa malugod na pagtanggap sa kanila.
Sumentro naman sa pag-uusap ang mga isyu may kaugnayan sa trade and investments, maritime, climate change at environment.
Matatandaan na pormal na naitatag ang diplomatic relations sa pagitan ng PH at UK noong Hulyo 4, 1946